bunso

isa talaga akong bunso; hindi ko ito maipagkakaila. kahit siguro hindi ako huling pinanganak, bunso pa rin ako mag-isip.

brat. pikon. mayamot. brat.

naalala ko dati nang isang gabi, nagbabasa ako sa kwarto nang biglang pumasok ang aking ama at sinabing papatayin na ang ilaw at ang tv kasi matutulog na siya. wag na nating alalahanin na nakakatulog siya nang tanghali sa tapat ng tv sa sala araw-araw. humingi ako ng lima pang minuto para lamang matapos ang kabanata. kakasara lang ng bibig ko e narinig ko na ang ‘click’ ng switch ng ilaw.

umusok ang ulo ko. labas ng kwarto. upo sa sofa. basa nang konti. umuusok pa rin ang ulo ko.

uy, remote. hmm.

sunod na araw ay nataranta ang buong bahay kakahanap ng remote ng tv sa sala para sa tatay. ngiti lang ako.

bunso. brat. ako. bow.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s